top of page

Project: The Joy of Reading

Guidance Office, pinalalawig ang
reading program.

 

Sa layuning lalong pabutihin ang The Joy of Reading Project muling
nakatanggap ang Guidance Office ng mahigit 500 babasahin (novels, documentary at Educational magazines) na inihandog ni Gng. Rose Hombrebuena-Penhale at ng Batch 69 noong Hulyo 15, 2014.


Sa kasalukuyan, mahigit 200 aklat na ang nahiram ng mga mag-aaral, kasama na rin ang mga guro, mga alumni at mga retirees.

 

TMatatagpuan ang mga aklat sa Guidance Office.


Ginanagamit ang mga ito sa ngayon ng mga mag-aaral ng English
4 bilang sanggunian sa kanilang Home Reading Report Project.

 

“Natutuwa ako dahil dumarami pa ang mga mag-aaral na humuhiram ng mga aklat at nakikita kong nag- AngDahong Project: The Joy of Reading Nilalaman Magat eenjoy sila sa pagbabasa.” pahayag ni Gng. Noemi Salvatierra, Guidance Coordinator II.

Ang The Joy of Reading Project ay patuloy na pinalalawak upang
maipagpatuloy ang layunin ng proyektong ito – malinang ang
kakayahan at pagmamahal ng mga mag-aaral sa pagbabasa. Ito ay pagsuporta rin sa pagdiriwang ng National Book Week Celebration.


“Nagpapasalamat ako sa Batch 69 lalung-lalo na kay Gng.Rose
Hombrebuena-Penhale sa patuloy na pagbibigay ng mga educational books para sa The Joy of Reading Project.”, masayang pahayag ni Gng. Salvatierra sa panayam ng Ang Dahong Magat.# Vincent Arciaga

bottom of page